Walang makakapantay sa plataporma ng Bangon Pilipinas. Ito ang pinakakumpleto, pinakakonkreto, at pinakamabisa sa kasalukuyang mga agenda. Paano nangyari Ito? Dahil inuuna ni Bro. Eddie Villanueva at Bangon Pilipinas Party ANG DIYOS AT ANG BAYAN. Dahil dito, posibleng magtatag ng malinis na gubyerno. Anim na taong walang korapsyon!
Dahil pinangunguna ng Bangon Pilipinas Party at Villanueva administration ang Diyos at bayan, malaki ang tiwala ng mga ito sa mamamayan. Mamamayan ang mag-aahon ng bansa sa kahirapan. Kaya bibigyan ang mamamayan ng sapat na edukasyon, kapital at pabuya para makapagpatayo ng sariling mga negosyo. Payayamanin ang agrikultura at pangingisda para ito ang mapaghalawan ng negosyo ng mamamayan. Magtatayo rin ng malalawak na kakahuyan sa bawat probinsyang mapagkukunan ng matuwid na pamumuhay ng mamamayan.
Dahil mahalaga ang mamamayan kay Bro. Eddie Villanueva at sa buong Bangon Pilipinas Party, pangangalagaan hindi lamang ang edukasyon at kalusugan nila kundi ang kalikasang kanilang ginagalawan. Magiging malinis sa wakas ang Pilipinas sa panloob man at sa panlabas! Ang buhay ay aalwan, samakatwid magkakaroon ng kapayapaan.
At ang lahat ng ito ay mangyayari mula mismo sa pagkilos ng mamamayan. Dahil sa mata ng Diyos, sa mata ni Bro. Eddie Villanueva, at sa mata ng buong Bangon Pilipinas Party, sila ang pinahahalagahan!
Sino pa nga ba ang magsasagawa ng tama at tunay na pagbabago?
Eddie tayo!
Eddie ang mga tao!
Eddie ang samabayanang Pilipino!
